Pinag aaralan na ng mga otoridad sa Surigao Del Sur kung isasailalim ito sa state of calamity matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Ito’y kasunod ng isinagawang special session ni Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel na umaming problema nila ang relief aid sa lalawigan.
Aniya, kakaunti na lamang ang kanilang calamity fund dulot naman ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na nasa 45,000 pamilya o halos 140,000 individuals ang naapektuhan ng bagyong Odette sa lalawigan.
Dagdag ni Pimentel na wala pa ring suplay ng kuryente sa hilagang bahagi ng Surigao Del Sur.
Isa lamang aniya ang nasugatan at walang napaulat na nasawi dahil sa bagyong Odette.