Pumalag ang provincial health officer mula sa Northern Samar sa naging desisyon na isailalim sa alert level 4 ang kanilang lalawigan.
Ayon kay Dr. Ninfa Caparroso-Kam, health officer ng lalawigan, malayo ang kanilang average daily attack rate (ADAR) at average number of new cases sa critical level.
Habang nasa 84 hanggang 100 lang ang pagdoble ng kaso sa kanilang lugar na malayo sa dapat na panuntunan para isailalim sa alert level 4 ang isang lugar.
Ilan sa nakitang dahilan ni Caparroso-Kam sa pagkakamali ay ang pagkasama ng mga frontliners na may mild symptoms at nasa isolation facilities sa kanilang bed tracker account.
Agad namang nakipag-usap ang provincial government sa IATF para igiit ang kanilang hinaing. —sa panulat ni Abby Malanday