Sisikapin ni Incoming Vice President Leni Robredo na iwasan na ang paggamit ng pampublikong bus sa kanyang pag uwi sa Naga City.
Ayon kay Robredo, nag-aalala na kasi sa kanyang seguridad ang ilan lalo’t hawak na niya ngayon ang ikalawa sa pinakamataas na pwesto sa pamahalaan
Pero ayon sa susunod na Bise Presidente, hindi niya maipangangako ang hindi na pagsakay ng bus lalo’t ito anya ang pinakamura sa mga transportasyon at kanyang nakasanayan.
Isang Libong Piso lang kasi aniya ang pamasahe niya sa bus kumapara sa Eroplano na Siyam na Libong Piso.
Hindi rin anya advisable na magdala siya ng sariling sasakyan pauwi at papunta sa Naga dahil hindi pa ligtas ang mga kalsada patungo sa kanila.
Sa ngayon anya, isinasama niya ang kanyang mga security sa bus at siya na rin ang nagbabayad sa mga ito.
By: Avee Devierte