Nananatiling pahirapan ang pagsakay sa bahagi ng Marcos Highway, bagama’t nagsimula na ang partial operation ng LRT-2 ngayong araw.
Alas-kuwatro pa lamang ng madaling araw ay punuan na ang mga bumibiyaheng jeep sa Marcos Highway patungong Cubao.
Habang pila rin ang mga mananakay ng LRT-2 sa bahagi ng Cubao station.
Una nang sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na posibleng abutin pa ng siyam na buwan bago maibalik ang full operations ng LRT-2 matapos masunog ang rectifier nito noong nakaraang linggo.