Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs ang pagbibigay ng tulong sa dalawampung undocumented Filipino migrants na nakakulong sa Amerika.
Ito ay kasunod ng immigration crackdown na ipinapatupad ng administrasyon ni us President Donald Trump para mapa-deport ang mga dayuhang kulang sa dokumento at may mga kaso sa Amerika.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang dfa na ang may hurisdiksyon sa nasabing usapin kaya ito na ang kikilos upang asikasuhin ang mga nakakulong na Pilipino.
Dagdag pa ni Usec. Castro na hihintayin ng Palasyo ang report ng DFA tungkol sa kalagayan ng 20 Vundocumented Filipino migrants.—sa panulat ni John Riz Calata