Itinanggi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang ulat na inokupahan na rin ng China ang Sandy Cay malapit sa Pag-asa Island na bahagi ng pinag-aagawang West Philippine Sea.
Una ng inihayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dalawang barko ang ipinadala ng Tsina upang okupahan ang Sandy Cay na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Aminado si Esperon na mayroong mga namataang foreign fishing vessel sa nabanggit na sandbar o Pag-asa Atoll pero hindi naman ito sinakop ng Tsina.
Nilinaw din ng opisyal na wala namang dapat ipangamba sa ngayon hangga’t hindi naman ito inookupahan ng mga Tsino.
By Drew Nacino