Sisimulan na anumang araw ang imbestigasyon sa mga colonel at heneral na nagpasa ng kanilang courtesy resignation ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr.
Kung saan sasalain ng committee of 5 ang mga pangalan ng mga ito at ang mga 3rd level officers na tatanggapin ang inihaing resignation ay sasailalim sa imbestigasyon ng National Police Commission
Matatandaang 11 colonel at heneral na lamang ang hindi pa nakakapagpasa ng kanilang courtesy resignation at kabuuang 942 na ang nakapagsumite, 802 rito ay mga koronel at 138 ang heneral at isa ang mula sa PNP Internal Affairs Service.