Nagpasya na ang mayorya ng mga bansa sa ispesyal na sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) Na igiit sa Russia na itigil na nito ang pagsakop sa Ukraine.
Sa isang resolusyon, mula sa 193 miyembro ng UNGA, 141 ang pumabor sa desisyon laban sa Russia.
35 naman ang nag-abstain at lima ang bumoto ng kontra, kabilang na ang Russia, Belarus at Syria.
Pinagunahahan ang special session ng UN Security Council na binubuo ng 15 bansa, kabilang na ang United States, Russia, France, United Kingdom at China bilang mga permanent member.
Bagaman hindi “legally binding” ang resolusyon, maaari naman itong maka-apekto sa opinyon ng bawat bansa.