Inihalintulad ng Bayan Muna party-list group sa gumagapang na martial law ang pagsalakay ng Philippine National Police (PNP) sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, tila nakarating na sa National Capital Region (NCR) ang gumagapang na martial law ng Duterte Administration.
Pinuna ni Zarate na halos pareho lamang ang ginawa ng PNP sa mga ginawa nilang pagsalakay at pag-aresto ng mga aktibista sa Bacolod kung saan parang gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms and explosives ang isinampa ng PNP.