Magiging pahirapan ang pagsalang sa Bicameral Conference Committee ng panukalang Bangsamoro Basic Law na ipinasa ng Senado at Kamara.
Ito, ayon kay Senador Chiz Escudero, ay dahil maraming magkakasalungat na probisyon sa naturang panukala.
Sa kabila nito, naniniwala si Escudero na magagawa nilang i-reconcile ang magkakaibang probisyon ng BBL upang makabuo ng Bicam report.
Inihayag naman ni Senator Sonny Angara na ginawa ng Senado ang lahat upang mapahusay at na-aayon sa saligang batas ang mga probisyon ng bill subalit tiyak na magiging maganda ang bersyon na kanilang mabubuo sa isasagawang Bicam hearing.
Pinasalamatan din ni Angara si Senate Majority Floor Leader Migz Zubiri dahil sa pag-sponsor nito sa BBL na humantong sa pagkakapasa sa 3rd at final reading.