Normal lamang ang pagsalang ng Pilipinas sa universal periodic review ng United Nations o UN para ipaliwanag ang human rights record ng bansa.
Ayon kay Atty. Jackie De Guia, spokesperson ng CHR o Commission on Human Rights, regular na isinagawa ito ng UN tuwing ika-4 na taon.
Sa katunayan, ang rerepasuhin anya sa UN ay ang report na isusumite ng delegasyon ng Pilipinas na pinangungunahan ni Senador Allan Peter Cayetano.
PAKINGGAN: Pahayag ni Atty. Jackie De Guia, spokesperson ng CHR o Commission on Human Rights
Ayon kay De Guia, sa Oktubre ng taong ito ay nakatakda namang magsumite ng sarili nilang report ang CHR hinggil sa estado ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Maliban sa CHR, magsusumite rin anya ng kani kanilang shadow report ang mga non-government organizations na inaasahang gagawing basehan ng u-n sa mga ilalabas nilang obserbasyon at rekomendasyon.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Jackie De Guia, spokesperson ng CHR o Commission on Human Rights sa panayam ng DWIZ
‘War on Drugs’ hindi epektibo para malinis sa illegal drugs ang isang bansa – UN Special Rapporteur
Nagkakaisa ang maraming world leaders na hindi epektibo ang giyera kontra droga para malinis sa illegal drugs ang isang bansa.
Ayon kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard, nakapaloob ito sa joint commitment na nabuo sa isang special session na dinaluhan ng world leaders sa United Nations Headquarters noong Abril ng nakaraang taon.
Nagkakaisa anya ang world leaders na kalimitang hindi ang illegal drugs ang dahilan ng mga trahedya, krimen at disgrasya sa isang bansa kundi dahil sa negatibong epekto na bunga ng pangit at masamang mga panuntunan ng isang pamahalaan para labanan ang illegal drugs.
Napatunayan anya nila na lalong lumalala ang problema ng isang bansang talamak ang illegal drugs kapag mali ang ginawang sistema ng pagsupil dito, tulad ng extra judicial killings, torture, illegal detention at iba pa.
Sinabi ni Callamard na maraming mas epektibong paraan para masupil ang illegal drugs.
Hinikayat ni Callamard ang pamahalaan na balikan ang mga dokumento ng special session ng world leaders upang makakuha ng puntos kung paano ang tamang pagharap sa problema ng illegal drugs.
PAKINGGAN: Si UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa pagdalo nya sa isang policy forum on illegal drug problem na pinangunahan ng Free Legal Assistance Group
By Len Aguirre