Pinaaga pa ang pagsalang ng House Bill 4727 o Death Penalty Bill
Ayon kay Majority Floorleader Rodolfo Fariñas isasalang ng kaniyang committee on rules sa plenaryo sa third reading ang death penalty bill sa Martes, March 7 isang araw sa naunang itinakda na pagboto ng mga kongresista sa naturang panukala sa huling pagbasa.
Sinabi ni Fariñas na kapag naitakda na ang isang panukala para sa ikatlong pagbasa uubrang magkasa ang mga mambabatas ng nominal vote o papayagang ipaliwanag ang kani kaniyang boto.
Gayunman inihayag ni Fariñas na maliban ito kay anti death penalty bill Congressman Edcel Lagman dahil magiging parliament of bullies and puppets na ang Kamara kapag pinayagan pa itong magsalita.
By: Judith Larino / Jill Resontoc