Posibleng abutin ng taon ang pagsalba ng prangkisa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng people’s initiative.
Ito’y ayon kay law expert na si dating University of the Philippines Law Dean Pacifico Agabin.
Ani Agabin, ang naturang pamamaraan ay nangangailangan ng lagda ng kahit 10% ng kabuuang voting population ng bansa.
Ang naturang mga lagda ay kailangan beripikahin ng Commission on Elections (COMELEC) na mayroon namang limitadong bilang ng mga tauhan.
Dahil dito, posible umanong abutin ng dalawang taon dahil sa tagal pa lamang sa pagbeberipika ng mga lagda.