Naniniwala si South Korean President Moon Jae – in na isang pinakamagandang pagkakataon na mauwi sa posibleng magandang relasyon ang nakatakda nitong pakikipag – usap sa North Korea.
Kaugnay ito ng naging pahayag ni North Korean Leader Kim Jong – un ng kanilang partisipasyon sa Pyeongchang Winter Olympics sa South Korea na gaganapin sa susunod na buwan.
Ito’y sa kabila ng tensyon bunsod ng banta ng nuclear missile ng North Korea.
Sa mensaheng ipinabatid ni Kim, isang paraan na nakikita niya ang pagsali sa naturang Olympics upang maipakita ang kanilang sensiridad na maging matagumpay ito.
Una nang tinawag ng Seoul at organizers bilang ‘peace olympics’ ang naging New Year message ng Pangulo ng Hilagang Korea.