Boluntaryo ang pagsali sa ikinakasang clinical trial ng bansa sa anti-parasitic drug na Ivermectin.
Nilinaw ito ni Dr. Jaime Montoya, executive director ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) na nagsabing sa buwang ito o unang linggo ng Hunyo inaasahang masisimulan ang pag-aaral para malaman ang bisa ng Ivermectin kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni Montoya na isasagawa ang clinical trial sa mga mild to moderate at asymptomatic cases ng ilang quarantine facilities ng Philippine Red Cross.
Posibleng abutin aniya ng anim na buwan ang clinical trial sa Ivermectin subalit nakadepende pa rin ito sa bilis ng magiging recruitment ng sample size.