Inaasahang magiging maulan ang pagsalubong ng bagong taon mamayang gabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bunsod ito ng northeast monsoon o amihan maging ang epekto ng shear line.
Partikular itong mararanasan sa silangang bahagi ng Luzon kabilang ang Bicol region, Quezon, bahagi ng Cagayan Valley, Apayao, Kalinga at Aurora.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa ay posible rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.
Sa ngayon, nagtaas na ang PAGASA ng gale warning sa Cagayan, Isabela, Aurora, hilagang baybayin ng Quezon kabilang ang hilagang at silangang baybayin ng Polillo Islands, Batanes, hilagang baybayin ng Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.