Naging pangkalahatang mapayapa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa bansa ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na bagama’t may mga insidente pa rin ng naputukan, mas marami pa rin ang nakiisa sa pagiwas ng paggamit ng paputok maging ng pagpapaputok ng baril.
Ani Banac, maituturing ang taong 2019 na “safest” at “most uneventful observance” dahil wala aniyang nasawi sa kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon.
Batay aniya sa tala ng PNP Command Center, pumalo lamang sa 324 ang holiday related incidents sa buong 2019.
Mas mababa umano ito kumpara sa naitalang 798 na kaso noong nakaraang taon.