“Generally peaceful” ang pagsalubong sa taong 2023 sa Metro Manila.
Ito’y ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos na walang maitalang major untoward incidents ang mga otoridad.
Sinabi ni NCRPO Regional Director Maj. Gen. Jonnel Estomo na walang naiulat na firecracker-related incidents o anumang injury dahil sa stray bullets, indiscriminate firing, o sunog na may kaugnayan sa paputok.
Nakatulong aniya dito ang mga pagsisikap ng mga kapulisan sa pagbabantay sa mga insidente tulad ng paggamit ng iligal na paputok.
Gayundin ang ipinatupad na ban sa pagbebenta at paggamit ng illegal firecrackers.