Kinukunsider ng DOH ang pagsama sa COVID-19 booster shots sa kanilang budget para sa susunod na taon.
Ito ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hepe ng National Vaccination Operations Center ay bagamat hindi pa inirerekomenda ng DOH all experts group ang booster shots.
Gayunman, sinabi ni Cabotaje na posibleng sa susunod na isa o dalawang buwan ay makapagbibigay na ng pinal na rekomendasyon ang all experts group hinggil sa pag aaral nila sa booster shots.
Una nang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na mangangailangan ang Pilipinas ng P55 bilyon para makabili ng booster shots.