Umalma ang Lanao Del Norte Provincial Government sa pagkakabilang ng lalawigan bilang emerging hotspot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasunod na rin ito nang pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring lumobo ang bilang ng mga magpopositibo sa virus sa Misamis Occidental, Bukidnon at Lanao Del Norte.
Ayon kay Lanao Del Norte Provincial Government Spokesperson Lyndon Calica walang anumang local transmission ng virus sa kanilang probinsya na pwedeng maging basehan para ikunsider silang emerging hotspot.
Ipinabatid ni Calica ang tatlumpung residente na nagpositibo sa COVID-19 subalit dalawa lamang sa mga ito aniya ang nahawahan na mula mismo sa kanilang lokalidad habang ang 28 ay locally stranded individuals o returning OFW’s na na-avail ng balik probinsya program ng gobyerno.
Ipaaabot naman ng DOH Northern Mindanao sa DOH central ang pag-alma ng provincial government ng Lanao Del Norte.