Kasado na ang pagsasama ng sex education sa online learning modules ngayong school year.
Ipinabatid ni Undersecretary Juan Antonio Perez III, Executive Director ng Commission on Population and Development (POPCOM), Oktubre pa lamang ay nagsasagawa na ang Department of Education (DepEd) ng mga sesyon at diskusyon sa kanilang regional offices kaugnay sa pagsasama ng sex education sa mga bagong learning modalities.
Ang sex education topic ay isasama sa modules na ginagamit ng mga mag-aaral sa Ilocos Region, Central Visayas at Davao Region.
Sinabi ni Perez na lumalabas sa datos na mataas ang adoslescent pregnancy o mga menor de edad na nabubuntis sa mga nasabing lugar lalo na sa Region 11.
Una nang inihayag ng POPCOM na inaasahang papalo sa halos 111-M ang populasyon ng bansa sa susunod na taon dahil sa inaccessible reproductive health services sa gitna ng COVID-19 pandemic.