Pinag-aaralan na ng mga abogado ng gobyerno ang posibleng pagsasampa ng kaso laban kay Senador Antonio Trillanes.
Sa gitna ito ng mga banta ni Trillanes na hindi niya titigilan si Pangulong Rodrigo Duterte at pagsapit ng Mayo ay ma-i-impeach ito.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, pinag-aaralan na nila ni Solicitor-General Jose Calida at Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kasong maaaring isampa laban sa Senador.
Nakikita naman anya ng publiko ang panggugulo ni Trillanes sa administrasyon na sa halip tumulong ay sinisiraan ang gobyerno.
Dagdag ni Panelo, sapat na ebidensya na ang mga banta ni Trillanes upang makasuhan ito sa korte.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping