Ikinalugod ng Malakanyang ang balitang pormal nang sinampahan ng kasong murder ang mag-asawang Kuwaiti na employer ng pinaslang na OFW na si Jeanalyn Villavende.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magandang balita aniya lalo na sa hinihinging hustisya ng pamahalaan at pamilya ni Villavende.
Sa kabila naman nito, iginiit ni Panelo ang pananatili ng ipinatutupad na deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait.
Ito aniya ay hangga’t hindi kikilalanin ng pamahalaan ng Kuwait ang nilagdaang kasunduan hinggil sa pagbibigay ng proteksyon at pagtitiyak sa kalagayan ng mga manggagawang Filipino doon.
Una na ring sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mananatili ang deployment ban sa Kuwait hangga’t hindi nasasaayos ang memorandum of agreement para pagbibigay proteksyon ng mga OFW sa nabanggit na bansa.