Inirekumenda ng National Bureau of Investigation o NBI sa tanggapan ng Ombudsman ang pagsampa ng kriminal at administratibong kaso laban kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Vicente Salazar at iba pa dahil sa posibleng paglabag sa procurement law at anti-graft and corrupt practices act.
Nagtungo ang ilang NBI official sa Ombudsman kung saan sinabing posibleng nagkasala sina Salazar, Attorney Presia Benesa, Renante Reynoso, at Luis Morelos.
Nag-ugat ang mga reklamo sa kontratang pinasok noon ni Salazar na audio-visual infomercial project para umano sa kanyang pagtakbo sa eleksyon.
Matatandaang nagpatiwakal si ERC Director Francisco Villa dahil sa umano’y mga anomalya sa kagawaran.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno