Itinuturing ng Malakaniyang na suntok sa buwan ang plano ng Office of the Ombudsman na magsampa ng Motion for Reconsideration hinggil sa naibasurang kasong plunder laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, malabong mabaligtad na ang desisyon ng High Tribunal laban kay Ginang Arroyo
Batid naman aniya ng Ombudsman na wala silang habol kaya’t hindi na dapat igiit pa ang plano nitong mag-apela
Magugunitang iginiit ng Ombudsman na malakas at sapat ang kanilang mga ebidensya para madiin si Ginang Arroyo kasunod ng maling paggamit umano sa pondo ng PCSO
By: Jaymark Dagala