Posibleng umabot sa P100 kada litro ang presyo ng produktong langis kada araw sa Pilipinas.
Ito ay kung patuloy na tataas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado resulta ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Gerardo Erguiza Jr., undersecretary ng Department of Energy (DOE), magiging posible ang pagtataya kung magiging sunod-sunod ang taas-presyo sa langis.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na hindi naman biglaang mangyayari ang isandaang pisong kada litrong presyo ng langis, kung isang beses lamang ang oil price hike.
Matatandaang una rito, sinabi ni Erguiza na imposibleng tumaas sa 100 piso ang presyo ng langis sa bansa dahil aniya, sapat naman ang ating suplay ng krudo.