Maituturing na paglabag sa karapatang pantao ang maagang pagpapahayag sa publiko ng pangalan ng PNP generals na di umano’y mga protektor ng illegal drug syndicates.
Ayon ito kay dating CHR Chairperson Etta Rosales na ngayon ay kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN Commission on Human Rights.
Maituturing anyang pagbagsak sa justice system ang ganitong sistema ng pagpapahiya dahil hindi gumagana ang due process dahil hindi pa naman kinakasuhan o ipinaaaresto ang mga PNP generals pero nahusgahan na sila ng publiko.
Bahagi ng pahayag ni dating CHR Chairperson Etta Rosales
Kasabay nito, hinikayat ni Rosales ang limang PNP generals at ang mga kaanak ng mga napapatay na di umano’y drug dealers na dumulog sa Commission on Human Rights.
Bahagi ng pahayag ni dating CHR Chairperson Etta Rosales
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas