Pangangasiwaan na ng new NAIA Infrastructure Corporation ang operasyon at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport simula ngayong araw.
Ayon kay Manila International Airport Authority Executive Assistant Chris Bendijo, sasailalim sa upgrade ang operasyon at pasilidad ng paliparan.
Bagama’t hindi ito magagawa ng ‘overnight,’ tiniyak naman ni Bendijo na gaganda at mapapabuti ang NAIA.
Kabilang aniya sa mga pagbabagong ito ang mas maraming upuan sa waiting at pre-departure area; pag-aayos ng elevator, walkalator, escalator, generator set at air conditioning, pag-upgrade sa passenger boarding bridges at paggamit ng visual docking system.
Samantala, nag-abiso rin ang MIAA official na tataas ang bayad sa NAIA sa susunod na taon.