Sampung araw bago ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., puspusan na ang preparasyon sa National Museum sa Lungsod ng Maynila.
Abala na sa pagpipintura sa bukana ng museyo ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways, na nangunguna rin sa paglilinis at pagpapaganda sa buong paligid ng gusali.
Nagtayo na rin ang DPWH ng scaffolding sa harapan ng museyo.
Inaasahang maraming kilalang personalidad at matataas na opisyal ng gobyerno ang dadalo sa nasabing aktibidad na isang napakahalaga at makasaysayan para sa bansa.
Kilala ang National Museum bilang dating ‘legislative building’ na nagsilbi ring venue ng inagurasyon nina dating Pangulong Manuel Quezon noong 1935, Jose Laurel noong 1943 at Manuel Roxas noong 1946.