Minamadali na ang pagsasaayos ng Philippine Arena Complex na magsisilbing quarantine facility ng mga pasyenteng nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inaasahang sa susunod na linggo ay maaari na itong tumanggap ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon ay halos handa na ang dalawang itinatayong tent sa nasabing mega quarantine facility.
Target na maitayo ang tatlong tent kung saan kayang mag accomodate ng mahigit 300 positibong pasyente sa kabuuan.
Ngunit kung sakali namang dumami pa ang bilang ng positibo sa sakit ay maaari pang magdagdag ng tent sa stadium area.
Batay sa pagtataya ni BCDA President Vince Dizon, kayang mag-accomodate ng Philippine Arena ng hanggang 2,000 pasyente.