Nasa 80% ng kumpleto ang renovation ng mga Vote-Counting Machine (VCM) na gagamitin ng COMELEC sa 2022 elections.
Tugon ito ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo sa pagharap sa senate deliberation sa proposed P26.7 bilyon budget ng poll body sa susunod na taon.
Una nang humingi ng update si Senator Risa Hontiveros kay Casquejo kaugnay sa P637.4 milyon deal na pang-renovate ng poll technology provider smartmatic.
Ayon sa COMELEC official, itinakda ang final delivery ng mga refurbished na makina sa Nobyembre 15 at batay sa records ay kakayanin ng bawat isang VCM ang 1,000 voter cluster precincts.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t kailangan ng poll body ng karagdagang 10k VCM upang mapababa sa 800 voter cluster precinctsang kapasidad ng bawat makina.
Mayo 2019 nang i-award sa smartmatic ang P402.7 milyon contract para maglaan ng software na gagamitin sa May 9, 2022 automated elections.—sa panulat ni Drew Nacino