Mahigpit nang tinututukan ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa ang reorganization ng Internal Affairs Service (IAS).
Kasunod na rin ito nang pagsusulong na mga sibilyan na ang mag ma-mando sa IAS para mawala na ang pagdududa ng publiko laban sa isinagawang imbestigasyon laban sa mga tiwaling pulis.
Sinabi ni Gamboa na pinag aaralan na rin niya ang kahilingan ng IAS na mabigyan ng adjudicatory power at hiwalay na pondo sa ilalim ng General Appropriations Act.
Gayunman, inihayag ni Gamboa na ipinauubaya niya sa Kongreso ang pagpapasya kung ihihiwalay nito ang IAS sa PNP.