Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) ang pagsasaayos sa mga ibabahaging COVID-19 vaccines sa Myanmar at Papua New Guinea.
Ayon Kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, marami aniyang sobrang bakuna kaya nais nilang idonate ang ibang bakuna kontra COVID-19 sa mga nasabing bansa.
Gayunman, hindi sinabi ng opisyal ang eksaktong bilang ng mga bakunang ibibigay sa dalawang bansa.
Matatandaang, ibinunyag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na papalo sa 27M doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang ma-expire ngayong darating na Hulyo.