Nagpaabot ng pasasalamat si House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na tumugon sa pagsasaayos ng port congestion partikular sa Matnog Port sa Sorsogon at Allen Port sa Northern Samar.
Kabilang sa mga ahensyang pinasalamatan ng kongresista ay ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), Better Regulations Office (BRO) at Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Daza, malaking tulong ang naturang reporma sa mga port para sa ekonomiya at upang mapabilis ang mga transaksyon kasabay na rin ng pagdami ng Online sellers sa bansa.