Umapela naman ang grupong The Passenger Forum (TPF) sa gobyerno na isaayos ang public transportation sa bansa, lalo sa Metro Manila bago ang full resumption ng face to face classes.
Ayon kay TPF Convenor Primo Morillo na hindi pa handa ang public transportation sa pagbabalik ng klase kaya’t kailangan munang tugunan ang mga problema sa imprastraktura upang maging maayos ang pagbabalik ng mga estudyante sa normal classroom-based education.
Bagaman naiitindihan anya nilang maraming sektor ang nanawagan para sa pagbabalik ng face-to-face classes, dapat mabatid ng gobyerno ang karagdagang demand sa public transport system.
Wala pang tugon ang Department of Transportation sa naturang issue habang nananatiling suportado ng National Parent-Teacher Association Philippines ang pagbabalik ng face-to-face classes.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, partikular sa Metro Manila.