Nasa kamay na ng Senado kung mapapabilis ang pagsasabatas ng panukalang apat na araw na pasok sa opisina o 4-day work week.
Ayon kay Congressman Mark Go, may-akda ng panukala, plano niyang makipag-usap kay Senador Joel Villanueva, Chairman ng Senate Committee on Labor para i-adopt na lamang ang bersyon ng Kamara.
Binigyang diin ni Go na batay sa mga isinagawa nilang public hearings, nagbigay ng suporta sa kanyang panukala hindi lamang ang labor groups kundi maging ang mga employers.
Nagpahayag ng pag-asa si Go na maisabatas ang 4-day work week sa loob ng taong ito.
“Hindi po ito mandatory sa mga kumpanya at may option sila kung gusto nila ng 4 days o 5 days per week na magtrabaho, at kapag sila’y nag-render more than the hours that they are having right now eh magkaka-overtime po yan, ang pinaka-intensyon natin dito is less work days, more hours per day para magkaroon ng pagkakataon ang ating mga empleyado ng balanced work life.” Pahayag ni Go
By Len Aguirre / Ratsada Balita Interview