Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law o BBL kasabay ng kanyang State of the Nation Address o SONA sa Hulyo.
Ito ay matapos na maipasa ang BBL sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso kasunod nang naging aksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na setipikahang urgent ang naturang panukalang batas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, paplantsahin na lamang ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagkakaiba ng kanilang bersyon sa gagawing Bicameral Conference Committee.
Mahalaga aniyang mapagkasunduan ng Kamara at Senado ang kanilang bersyon upang matugunan ang mga kuwestiyon sa legalidad o constitutionality ng panukalang batas bago lagdaan ng Pangulo.
Kumpiyansa ang Palasyo na kung ganap nang magiging batas ang BBL ay posible nang makamit ang kapayapaan sa Mindanao at maiwasan na muling pumutok ang kaguluhan sa rehiyon.
—-