Nagpahayag ng suporta ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagsasabatas ng National Land Use Act (NLUA).
Sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., ang naturang panukala ay para masiguro ang maayos at epektibong pagpaplano, paggamit ng mga kalupaan, at physical resources sa bansa kasama ang sakop ng LGUs.
Maliban dito, mababantayan at maisasaayos ang mga ipinapatayong istruktura gayundin ang conversion ng mga agricultural lands.
Mapapatatag rin aniya ng priority legislation ang epektibong pangangasiwa sa mga land at water resources.
Sa ilalim nito, magkakaroon din ng National Geo-Hazard Mapping Program para matukoy ang disaster prone areas.