Itinuturing ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara na magandang pamasko sa mamamayang Pilipino ang pagsasabatas ng TRAIN Act o Tax Reform Acceleration and Inclusion Law.
Ito’y makaraang lagdaan na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas na layuning bawasan ang pasanin ng mga manggagawa dahil sa laki ng buwis na kinakaltas sa kanilang buwanang suweldo.
Ayon kay Angara, tiyak na lalaki na ang take home pay ng mga manggagawa lalo’t hindi na kailangan pang magbayad ng mga ito ng income tax lalo na iyong sumusuweldo ng 250,000 Piso pababa kada taon.
Iginiit ni Angara na tiyak na mapopondohan na rin ang mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng build, build, build program na siyang susi rin sa pagresolba sa mga kasalukuyang problema na kinakaharap ng bansa.