Tinalakay sa isinagawang pagpupulong Committees on Metro Manila Development and Transportation ng kamara ang dalawang panukalang batas na layuning ipatupad sa buong bansa ang umiiral na ‘no contact apprehension policy para sa mga lumalabag sa batas trapiko.
Layunin ng House bill 5656 at 9368 na magkaroon ng sistematiko at iisang polisiya sa kalsada, gayon din upang maiwasan ang mga mapang-abuso , korap at nangongotong na mga traffic enforcers.
Sa ilalim ng panukala, mahihirapang makalusot ang mga motorista sa mga paglabag nito dahil maglalagay ng CCTV Camera na siyang magbabantay bente kwatro oras sa mga kalsada sa halip na mga traffic enforcer.
Matatandaang, umiiral na ang ganitong polisya gaya sa Valenzuela, QC, Manila at ilan pang lugar sa bansa partikular sa Metro Manila. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)