Inilipat na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang mandato upang pamunuan ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga.
Batay sa inilibas na kalatas ng Pangulo, inatasan nito ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Bureau of Customs, Philippine Postal Corporation at iba pang ahensya ng gobyerno at lahat ng adhoc anti-drug task force na ipaubaya na sa PDEA ang lahat ng operasyon na may direktang kinalaman sa illegal na droga.
Ini-utos rin ng Pangulo na ipasa na sa PDEA ang lahat ng impormasyon at datos kaugnay ng mga operasyon kontra droga maging ang mga iniimbestigahang kaso na may kinalaman dito.
Samantala, sinabi ng PNP na nirerespeto nila at nakahanda silang sumunod sa ipinalabas na direktibang ito ng Pangulo Duterte.
Ayon kay PNP Spokesman Dionardo Carlos, tutukan na lamang ng PNP ang anti-criminality operations at internal cleansing sa kanilang buong hanay.
Sa huli, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na kailangan pa rin nila ang tulong ng PNP sa giyera kontra droga dahil kakaunti lamang ang mga tauhan niya sa kanilang ahensya.
JUST IN: President Duterte says PDEA will now be the sole agency to conduct anti-illegal drug operations pic.twitter.com/tSEZ7WkeB1
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 11, 2017
(Ulat ni Jopel Pelenio)