Isinusulong ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario sa mababang kapulungan ng Kongreso na isagawa na lamang ang Barangay at SK Elections sa Oktubre 9 ng susunod na taon sa halip na sa Disyembre 5 ngayong taon.
Batay sa House Bill 1367 na inihain ng kongresista, ito’y upang ilaan na lamang muna ang 10 bilyong pisong pondo sa naturang halalan para sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.
Matatandaang nauna nang inirekomenda ni Leyte Rep. Richard Gomez ipagpaliban din ang naturang eleksyon at gawin na lamang sa susunod na taon habang tinutulan naman din ito ng ilang mambabatas. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)