Sang-ayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagsasagawa ng caroling sa Metro Manila.
Paliwanag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, sa open air naman isinasagawa ang pangangaroling at hindi naman nakasaad sa regulasyong inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipinagbabawal ang pangangaroling sa ilalim ng alert level 2.
Aniya, wala siyang nakikitang masama sa pagsasagawa ng caroling gayong pinahintulutan nang lumabas ang mga bata, pinapapasok sa mga mall, pasyalan at kainan.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Malaya ang mga mangangaroling na sundin pa rin ang health protocols kontra COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico