Tuloy ang pagsasagawa ng census sa iba’t ibang lugar sa bansa ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa gitna ng pandemya.
Ayon kay PSA Civil Registrar General Dennis Mapa, mahalagang matapos ang pangangalap ng impormasyon para sa 2020 Census of Population and Housing dahil bukod aniya sa pagtukoy sa populasyon ng bansa, dito rin makikita ang lagay ng pag-unlad sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ang mga impormasyon aniya na nakakalap ng psa ay ginagamit ng mga opisyal ng gobyerno upang matukoy kung ano ang mga problema at sektor na dapat pagtuunan ng pansin sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kasabay nito, tiniyak ni mapa na sumusunod ang psa sa mga health protocol ngayong nananatili ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).