Nalampasan ng Department of Health ang target na bilang ng mga kabataang mabibigyan ng bakuna sa ikinasa nitong “Chikiting Bakunation Days” sa National Capital Region.
Ayon sa DOH, nakapagbakuna sila ng 106.63% na mga batang edad zero hanggang 23 months old o katumbas ng 105,131 na indibidwal.
Anila, 98,595 lamang kasi ang itinakda nilang target population sa nasabing rehiyon
Kabilang sa mga ipinamahaging bakuna ay polio vaccine, pneumococcal vaccine na panlaban sa pneumonia at meningitis
Mayroon ding Bacillus Calmette–Guérin (BCG) vaccine bilang proteksyon sa tuberculosis, measles, mumps, rubella, hepatitis B at ang pentavalent vaccine.
Nanguna sa mga siyudad sa NCR ang Pateros at Taguig na sinundan ng Malabon, Maynila, Quezon City, at Makati.