Posibleng magsagawa ng cloud seeding operations ang MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa bahagi ng Angat Dam.
Ito ay sa gitna pa rin ng pagsadsad ng mas mababa pa sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam na nagdudulot naman ng krisis sa tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
Ayon kay Jose Alfredo Escoto ng MWSS, pinag aaralan nila ang pagsasagawa ng cloud seeding batay na rin sa magiging rekomendasyon sa kanila ng PAGASA.
38,000 piso ang gastos sa bawat lipad ng eroplano para sa 44 na cloud seeding operations na isinagawa mula noong Mayo.