Hindi sususpindihin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng national at local elections sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Sinabi ito ni Comelec commissioner George Erwin Garcia kasunod ng pahayag ng DOH, na posibleng suspindihin ang eleksyon sa mga lugar na makikitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Garcia, hindi maaapektuhan ng pagtaas ng kaso at kalamidad ang eleksyon sa Pilipinas.
Tuloy na tuloy aniya ang eleksyon at hindi magkakaroon ng deklarasyong kanselahin ito.