Pwedeng ikunsidera ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga itinuturing na ‘very low risk’ areas o ‘yung mga lugar na mababa ang banta ng virus, basta’t masusunod lang ang mga health protocols.
Ito ang tugon ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga katanungan kung anu-ano ang mga bagay na kailangan para kanyang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapanumbalik ng face-to-face classes.
Nauna rito, sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa isang pagdinig sa senado na posible namang ibalik ang face-to-face classes.
Ito’y basta’t magkakaroon ng aniya’y ‘shared responsibility’ sa iba’t-ibang stakeholders gaya ng local government uniots (LGUs) at mga magulang ng mga mag-aaral.
Paliwanag ni Malaluan, kung wala nito, oras na magkaroon ng hawaan ng virus dahil sa pagsasagawa ng face-to-face classes, panigurado aniya na DepEd ang sisisihin.
Samantala, bago pa nito, tinutulan na ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang muling pagsasagawa ng face-to-face classes.