Malaki ang posibilidad na payagan na ang pagsasagawa ng graduation ceremonies sa mga campus ng paaralan sa bansa.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Nepomuceno Malaluan, ito ay kung ibababa pa ang kasalukuyang alert level system bilang pag-iingat sa COVID-19.
Nitong nakalipas na linggo, inirekomenda na ng DepEd kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng in-person classes maging ang pagsasagawa ng school-based activities tulad ng graduation ceremonies.
Katuwang sa gawaing ito ang Department of Health (DOH) para matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sa virus.
Batay sa huling datos, 304 public schools na sa bansa ang handang lumahok sa pinalawak na face-to-face classes. —sa panulat ni Abigail Malanday