Pinag-aaralan na ang paggamit sa parehong COVID-19 vaccine brands para sa pagbabakuna ng booster shots.
Ito ay inirekomenda ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at ng all Expert Group Panel ang “Homologous” vaccination scheme.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kung ano ang itinurok sa first and second dose ay iyon din ang ituturok sa third dose o tinatawag na booster shots.
Dagdag ni Galvez, mayorya ng mga bakunang maaaring iturok bilang booster shot para sa mga healthcare workers ay Sinovac at Astrazeneca dose.
Una nang inaprubahan ng health department ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na bigyan ng booster shots ang mga fully vaccinated healthcare workers.
Samantala, sinimulan na ng DOH ang pagproseso ng EUA para amyendahan ang iba’t ibang vaccine brands na gagamitin bilang booster shot.